Iniisip Mo

Iniisip mo ang exams na kailangan mong ipasang pambawi sa naunang activity

Iniisip mo ang mga kalat na tila hindi natatapos ligpitin dahil iyong naisasantabi

Iniisip mo ang mga papel na kailangan mong sulatan nang anumang kabuluhan

Iniisip mo ang paparating na mga reporting dahil baka pumalpak ka nanaman

Iniisip mo ang mga kasama mo sa bahay na inuuwian kung maayos pa ba sila

Iniisip mo ang pamilya mong naiwan kung ano na ang nangyayari sa kanila

Iniisip mo ang mga balitang dapat mong tutukan taglay itong kredibilidad

Iniisip mo ang mga itutuloy na gawaing dapat ay matapos na rin kaagad

Iniisip mo ang breaks at deadlines at schedule ng iba pang mga appointment

Iniisip mo ang pagsablay kasi pilit mong iniiwasang maging disappointment

Iniisip mo ang bawat institusyong kinabibilangan mong patuloy na nakikibaka

Iniisip mo ang maging produktibo sapagkat ang sambayanan ay umaasa

Iniisip mo na hindi talaga madali dahil nariyan ang pressure at procrastination

Iniisip mo tuloy kung karapat-dapat ka ba sa natatamasang edukasyon

Iniisip mo na gumawa ng eksena nyeta naman oh! bakit ba ang hirap maging ako?’

Iniisip mo tulad ng pelikulang ginawagan mo ng istorya… kung

Iniisip mo rin ba ako, ang nararamdaman ko, ang mga ganap sa buhay na pinili ko…

tulad ng pag-iisip ko sa kung ano ba ang silbi ng bawat pagbangon at ng bawat

pagwawaksi sa maling nakasanayan, pagwawaksi sa bisyong hindi ko susubukan.

Iniisip mo na sana bukas, mamaya, ngayon ay tumakbo pa rin ang rebolusyon

Iniisip mo na sana ay makasabay ka sa bilis at pabugso-bugsong pag-andar nito

Iniisip mo na sana ay kayanin mong sumalungat sa sistemang nabulok ng panahon

Iniisip mo na sana ay kayanin mong tuparin ang ating ipinaglalaban bilang pangako mo

Advertisements
Categories: citizen, confusion, country, drive, mood, motivate, progress, promise, revolution, student, thinking, thoughts, writing | Leave a comment

Post navigation

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Blog at WordPress.com.

%d bloggers like this: